Aklat ni Ageo
| Lumang Tipan ng Bibliya |
|---|
|
| Nevi’im |
|---|
| Mga Unang Propeta |
| 1. Yehoshua (Josué) |
| 2. Shofetim (Mga Hukom) |
| 3. Shemu’el (Samuel) |
| 4. Melakhim (Mga Hari) |
| Mga Sumunod na Propeta |
| 5. Yesha’yahu (Isaías) |
| 6. Yirmeyahu (Jeremías) |
| 7. Yeḥezkel (Ezequiel) |
| 8. Ang Labindalawa |
Ang Aklat ni Ageo[1][2], Aklat ni Hageo,[3][4] o Aklat ni Haggai[5] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol ito sa mga pangangaral ni Propeta Ageo, isang kaalinsabay ni Zacarias.[1]
May akda
Bagaman nakapangalan kay Ageo ang aklat na ito, pinaniniwalaan na maaaring ibang kamay ang bumuo dito. Pinagsamasama ang mga pagtuturo ni Ageo hanggang sa maging isa itong buod.[5]
Layunin
Nilayon ng Aklat ni Ageo ang gisingin ang kasiglahan ng mga mamamayan para sa pagtatatag ng isang panibago at Pangalawang Templo. Nasira ang unang templo mga 70 taon bago manlusob si Nabucodonosor. Mula sa panahong ng pagkakabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem, mula sa kanilang pagkakabihag sa Babilonia (mga 538 BK, mga dalawang dekada na ang nakalipas), tanging mga balangkas pa lamang ng bagong templo ang nailalagay.[5]
Paglalarawan

Dahil sa kautusan ni Haring Ciro noong mga 538 BK, nakabalik ang mga naging bihag na mga Hudyo ng mga Babilonio sa Jerusalem. Nagsikap silang muling buhayin ang kanilang nagaping bayan, kabilang ang pagtatatag ng isang bagong dalanginan.[1] Noong panahon ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario I (mga 520 BK, umabot ang paghahari niya hanggang 485 BK), nanawagan si Ageo sa mga pinuno ng pamayanan ng mga Hudyo, sa paring si Josue (o Joshua), sa gobernador na si Zorobabel (o Zerubbabel, isang inanak mula sa maharlikang lahi ni David), upang personal na mangasiwa ang mga ito sa pagpapabilis ng pagtatayo ng pangalawang templo.[1][5] Hinikayat rin niya ang mga pari para linisin ang mga pagsamba makakulto. Ginawan ni Ageo ng pag-uugnay ang mga naunang kaugalian ng mga Israelita sa isang pangako ukol sa pagdating ng panahon maka-Mesias.[5]
Mga bahagi
Binubuo ng apat na bahagi ang Aklat ni Ageo. Tungkol ang unang bahagi sa panawagan ng mga propeta upang maitayo ang isang templo. Hinggil naman sa karangalan ng bagong templong makikita ng Mesias ang pangalawang bahagi. Tinatalakay sa pangatlong bahagi ang mga pagpapalang matatamo ng magsasagawa ng mga karangalang pangpanibagong templo. At bilang huli, nauukol kay Zorobabel na larawan ng Mesias at lingkod na hirang ng Diyos, ang pang-apat.[1]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Ageo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
- ↑ "Aklat ni Ageo". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
- ↑ Ginamit sa sangguniang ito ang baybay na Hageo, "Mga Kapahayagan ng Langit (Unang Patotoo, Esau)", Mga Kapahayagan ng Langit at Impiyerno sa 7 Kabataan ng Columbia, halaw sa orihinal na salin mula sa Salitang Kastila, isinalin sa Tagalog ni Pastor Reyn Araullo sa tulong ni Claudia Alejandra Elguezabal, Pilipinas, 22 Disyembre 2007 (PDF).
- ↑ Ginamit sa sangguniang ito ang baybay na Hageo, "Mga Kapahayagan ng Langit (Unang Patotoo, Esau)", Mga Kapahayagan ng Langit at Impiyerno sa 7 Kabataan ng Columbia, halaw sa orihinal na salin mula sa Salitang Kastila, isinalin sa Tagalog ni Pastor Reyn Araullo sa tulong ni Claudia Alejandra Elguezabal, Pilipinas, 22 Disyembre 2007 (HTML).
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Reader's Digest (1995). "Haggai". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
Panlabas na kawing
- Aklat ni Haggai[patay na link], mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Aklat ni Ageo, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.